Senado, papaspasan ang pagpasa ng batas na magba-ban sa paggamit ng plastik

Tiniyak ng liderato ng Senado na isasama sa prayoridad sa pagbabalik ng sesyon sa hulyo ang panukalang batas na tuluyang magbabawal sa paggamit ng plastik sa bansa.

Sa harap ito report na pangatlo na ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na worst polluter dahil sa sangkatutak na basura at plastik sa dagat at mga waterways.

Ayon kay Senate majority leader Juan Miguel Zubiri, partikular na nais nilang ipagbawal ang paggamit ng single plastic sachet sa shampoo, toothpaste, kape at iba pang tingi -tinging produkto.

Katwiran ng Senador hindi naman kinokolekta ng mga manufacturing company ang itinatapong plastik mula sa kanilang mga produkto.

Ito aniya ang dahilan kaya barado ang mga estero at mga daluyan ng tubig na nagdudulot na rin ng malawakang mga pagbaha lalo na sa Metro Manila.

Senador Zubiri:
“Its about time we pass a law on the banning single use of plastic sachet na ginagamit, hindi sapat yung ordinances dahil marami pa rin ang nagtatapon ng plastic lalo na sa ocean, nakakatakot yung streets of plastic all over the coastal area na nagdudulot na ng water pollution sa ating mundo”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *