Senador Trillanes, isa sa mga nangunguna sa may pinakamaraming panukalang batas na naihain sa Senado
Kahit madalas na wala sa sesyon, isa si Senador Antonio Trillanes sa nangunguna sa may pinakamaraming panukalang batas na naihain sa Senado.
Sa records ng Senate Legislative Bills and Index Service nitong Mayo 31, 2018, si Trillanes ay nakapagtala ng 322 bills at resolutions.
Pumangalawa si Senador JV Ejercito na may 258, habang may 256, Bam Aquino, 255 Joel Villanueva at 252 si at Loren Legarda,
Iginiit ni Trillanes na hindi niya pinababayaan ang kaniyang trabaho bilang mambabatas kahit kabilang siya sa oposisyon.
Sa lahat ng Senador, si Trillanes ang may pinakamaraming hindi nadaluhan sa ikalawang regular session ng 17th Congress kung saan 52 beses lamang siya nakadalo mula sa 79, dahil sa kaniyang 23 official mission at apat na absent.
Ulat ni Meanne Corvera