Lalaki sa New Orleans, nakaubos ng 480 piraso ng oyster o talaba sa loob ng 8 minuto
Tinalo ni Darron Breedon ang anim na iba pang kalahok sa World Oyster eating championship sa New Orleans.
Naubos ni Breedon ang 40 dosena ng oyster o 480 piraso ng talaba.
Sumunod lang kay Breedon ang defending champion na si Michelle Lesco na nakakain lamang ng 27 dosena ng oysters.
Ayon sa mga organizers ng kumpetisyon, ang panalo ni Breedon ay bagong rekord para sa event na inisponsor ng isang oyster house.
==============
Please follow and like us: