Remittance charges na kinukuha sa mga OFW, aabot sa 3.1 bilyong piso kada taon-Rep. Bertis

    photo credit:http://emongsjournals.blogspot.com

Aabot sa 3.1 bilyong piso sa 29.3 average remittance ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs kada taon ang napupunta sa mga remittance charges at remittance companies.

Ayon kay ACTS-OFW Partylist Representative John Bertis, kawawa ang mga kababayan nating OFW dahil sila rin ang pumapasan ng mga taxes at charges ng mga remittance companies na hindi naman narerefund o bumabalik sa kanila.

Ito ay sa kabila na ang bawat remittance companies, bank o non-bank man ay mayroong mga profit margin pagdating sa mga foreign exchanges.

Bukod pa aniya ito sa mga handling charges na ipinapataw kung magpapadala sa mga probinsiya.

Binigyang-diin ni Bertis na nakasaad sa batas na exempted na dapat ang mga ofw sa mga nasabing charges pero wala kasing malinaw na refund mechanism ang pamahalaan tungkol dito kaya na rin ito nakukuha ng mga OFW.

“Malinaw po kasi nakasaad sa batas na pwede nating i-refund yun kaya lang sino naman ang magre-refund nun diba? In every 20 thousand, 30 pesos, so mag-aabala ka pang mag-ipon ng papel, pumunta sa BIR, tax exemptions and get the refund”. 

Kaugnay nito, sinabi ni Bertis na naghain na sila ng resolusyon bago mag-recess ang Kongreso kaugnay sa nasabing mga remittance charges at humiling na rin sila ng update sa binuksang Overseas Filipino Bank na binili ng landbank mahigit isang taon na ang nakalilipas.

“Dapat po nag-take-off na yan kung anu-ano ba yung mga produkto, nakonsulta ba ang sektor tungkol dito at ano yung maitutulong nito hindi lang yung pagpapautang pero syempre ang inaabangan din po natin dyan ay yung malaking nakakaltas sa mga remittance charges na pwedeng pakinabangan ng mga Filipino kung ibabalik sa kanilang yung serbisyo”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *