Tatlong taong gulang na bata sa Israel,  nakakapagsalita ng Ingles kahit hindi pinag-aralan

 

Humanga ang mga doktor kay O’neal Mahmoud, isang 3- taong gulang na batang lalaki mula sa isang Arabic-speaking Druze family sa Golan Heights, Israel, dahil sa kakayahan nitong magsalita ng English na may British accent, kahit hindi naman ito na-expose sa  lengguwahe.

Nabatid na si Mahmoud ay hindi nagsasalita hanggang sa siya ay magdalawang taong gulang, kung saan nagsimula siyang lumikha ng mga hindi maintindihang ingay, at nang mag-tatlong taon ay nagsimula na  siyang magsalita ng fluent english na hindi naman sinasalita sa lugar na kaniyang kinalakhan.

Ang higit na nakapagtataka, ay hindi niya alam ang katumbas sa Arabic ng mga salitang ingles na kaniyang sinasabi, at mas mahusay siyang mag-ingles kaysa mag-Arabic.

Sinabi ni Dr. Khaloub Qa’awar , isang speech therapist at clinical linguist na sumuri sa bata, ang level ng english ni Mahmoud ay gaya ng isang 3-year old na lumaki sa isang english-speaking family.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *