Mga local business firm sa Pilipinas, hinikayat na mamuhunan sa Vietnam
Hinikayat ng Vietnam ang mga local business firm sa bansa na mamuhunan din sa kanilang bansa partikular sa bahagi ng Quang Binh province.
Binuksan ng Quang Binh province ang business oportunities sa mga investor na mula sa Pilipinas sa limang sektor na ito ay ang mga sumusunod:
Turismo, Services, kabilang ang health services, education & training, commercial center supermarket at banking services. Food processing, garments and furniture, mining at renewable energy. Kasama din ang sektor ng Agrikultura, at ang sektor ng imprastraktura.
Ayon kay Vietnam Ambassador to the Philippines, His Excellency Ly Quoc Tuan, isa ang Quang Binh province sa mga developing region sa kanilang bansa at sa lugar aniyang ito ay nagsisimula na ring umusbong at lumago ang ekonomiya sa naturang lugar.
Ayon pa sa Vietnam Ambassador, pananatilihin din aniya ng kanilang bansa at pilipinas ang matibay na uganyang pang ekonomiya nito para sa magandang relasyon at pagpapatatag ng pagkakaibigan nito.
Ulat ni Jet Hilario