Pagdinig ng DOJ sa Tax evasion case laban sa Golden Donuts Incorporated, nakatakdang tapusin na sa Agosto
Inaasahang tatapusin na sa Agosto ng DOJ ang Preliminary investigation nito sa reklamong Tax evasion laban sa Golden Donuts Incorporated o GDI na exclusive Franchisor at License grantee ng Dunkin Donuts of America.
Mahigit isang bilyong pisong buwis ang hinahabol ng BIR sa GDI.
Partikular na kinasuhan ng BIR ang mga opisyal ng Golden Donuts na sina Walter Spakowski, Miguel Prieto, Pedro Paraiso, at Jocelyn Santos.
Inatasan na ni Assistant State Prosecutor Charlie Guhit ang mga nasabing respondents na isumite ang kanilang rejoinder affidavit sa July 3.
Ang nasabing petsa rin ang huling pagdinig ng DOJ sa kaso.
Bibigyan naman ng DOJ ang kampo ng respondents at ng complainant na BIR na maghain ng kani- kanilang memorandum sa loob ng tatlumpung araw matapos ang July 3 at pagkatapos ay idideklara nang submitted for resolution ang kaso.
Ang kaso laban sa GDI ay nag0ugat sa natanggap nilang confidential information na nagkaroon ng Substantial underdeclaration sa kita ng kumpanya para sa taong 2007.
Nabatid ng BIR sa imbestigasyon nito na sinadyang binago ng GDI ang mga sales invoice na inisyu ng iba’t-ibang suppliers para lumabas na tumugon ito sa substantiation requirements.
Ilan din sa mga invoice ay walang tax identification number ng Golden Donuts at sa pamamagitan nito ay nakakuha sila ng deduction sa Income at Input VAT credits na nagkakahalaga ng 99.3 million pesos at 11.92 million pesos.
Naungkat din ng BIR na 39% ang underdeclaration sa benta ng Golden Donuts at 38.96 million pesos naman ang Underdeclaration din ng GDI sa kanilang royalty income.
Ulat ni Moira Encina