Kaso ng Dengue sa Cordillera, lalu pang tumaas…DOH, binigyang-diin ang programang 4-S
Ginugunita ng Department of Health o DOH ang Dengue Awareness ngayong buwan.
Layunin nito na lalong mamulat ang publiko sa marapat na pag-iingat na dapat nilang gawin upang maiwasan ang naturang nakamamatay na sakit.
Samantala, batay naman sa datos mula sa DOH- Cordillera Administative Region o CAR, 100% umano ang itinaas ng kaso ng Dengue sa naturang rehiyon mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Raul Destura, Chair ng Medical science division ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines o DOST-NCRP na mahalagang ipagpatuloy ng publiko na gawin ang kampanya ng Department of Health na tinawag na 4-S.
Dr. Raul Destura:
“So don’t forget the 4s ng doh, -search and destroy mosquito breeding places, use self protection measures, like ung mga skin repellant, seek early consultation, pag naglalagnat na ng more than two days, at say no to indiscriminate fogging, so ito ung mga 4-S natin. Itinatag ng DOH”.
Inihayag din ni Dr. Destura ang statement ng DOST-NCRP tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna upang mapababa ang mortality at morbity rate sa bansa.
“Ang point ng national research council is , hindi yan nilalahat, meron talaga tayong proven scientifically ay nakakatulong sa public health ng bayan natin at saka globally na rin. So very important sa atin yung nag se-seek out talaga ng kaalaman, na alam talaga natin kung ano ung makakabuti para sa mga anak natin, tulad ng pagbabakuna”.
Ulat ni Belle Surara