Peace summit nina Trump at Kim, magbibigay ng maraming opurtunidad sa Pilipinas

Tagumpay ang naging paghaharap at pag-uusap nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-Un kahapon.

Para kay Political analyst Professor Clarita Carlos, isa ito sa pinakamaganda at makasaysayang nangyari sa mundo dahil may kapayapaan nang nababanaag sa napakatagal nang panahong alitan sa Korean peninsula.

Positibo rin ang hatid nito sa mga Filipino dahil maraming mga opurtunidad ang mabubuksan sa North Korea para sa Pilipinas lalu na’t matagal nang kaibigan ng bansa ang Nokor.

We have been long friends of North Korea, mayroon tayong diplomatic relations sa kanila, may Embassy tayo sa Pyongyang. At nung nagkaroon sila ng Famine, tayo ang unang tumakbo at tumulong sa kanila kaya marami tayong mga economic oppurtunities doon”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *