Grupong Kadamay hindi na papayagan ng Malakanyang na makapang-agaw ng pabahay ng Gobyerno
Hindi na papo-pormahin ng Malakanyang ang grupong Kadamay para mang-agaw ng mga pabahay ng Gobyerno.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nananatili ang kautusan ng Pangulo sa Philippine National Police o PNP at National Housing Authority o NHA na hindi na papayagan maokupahan ng Kadamay ang mga housing units ng pamahalaan.
Ayon kay Roque, malinaw ang pahayag ng Pangulo na una at huli na ang ginawa ng Kadamay na pinayagang okupahan ang housing units na para sa mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan.
Muling tinangka ng grupong Kadamay na agawin ang housing projects para sa mga sundalo at police sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Inihayag ni Roque na kung magpupulis pa ang kadamay na mang-agaw pa ng government housing projects ay ipapatupad ang batas at parurusahan.
Inatasan din ng Pangulo ang NHA na magpaliwanag kung bakit hindi pa nai-a-award sa mga benepisyaryo ang mga Housing projects ng gobyerno.
Ulat ni Vic Somintac