Mahigit 200 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Sampaloc, Maynila
Tinupok ng apoy ang aabot sa 100 bahay sa Barangay 439 zone 44, Sampaloc Maynila kagabi.
Alas-8:00 ng gabi na mabilis na inakyat sa ika- limang alarma ang sunog dahil na rin sa mabilisang pagkalat ng apoy.
Karamihan sa mga bahay ay halos gawa sa light materials.
Hinihinalang dahilan o pinagmulan ng sunog ay ang napabayaang niluluto.
Ayon kay Fire Chief Inspector Reden Alumno nasa higit 200 pamilya o 258 pamilya ang apektado sa sunog o aabot sa 1,000 indibiwal.
Nasa higit 100,000 piso naman ang naging pinsala ng sunog.
Ala 1:30 ng madaling araw kanina ay kaagad idineklarang fireout ang sunog sa lugar.
Kasalukuyan ng inaassess ng BFP ang naging halaga ng pinsala ng sunog sa lugar.
Samantala pansamantala ng nanuluyan sa mga itinalagang evacuation centers sa lugar ang mga apektadong residente.
Ulat ni Earlo Bringas