Osaka, Japan, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol…..3 patay

                                                 photo credit: japantimes.co.jp

Kabilang ang siyam na taong gulang na bata sa tatlong biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Osaka, Japan ngayong umaga ng Lunes.

Ayon sa Meteorological agency, ang lindol ay naitala sa Hilagang bahagi ng Osaka Prefecture na may 10 kilometro ang lalim.

Ang siyam na taong gulang na bata ay namatay matapos madaganan ng nabagsak na pader  sa Takatsuki, Osaka Prefecture habang ang pangalawang biktima naman na 80 anyos na lalaki mula naman sa Ibaraki ay namatay matapos madaganan ng bookshelf sa kaniyang tahanan.

Sa ulat ng NHK, isa pang 80-anyos na lalaki rin ang namatay sa Osaka City matapos matamaan ng bumagsak na pader.

Mahigit naman sa walo katao ang sugatan at mga insidente ng sunog ang naiulat matapos ang pagyanig.

Ayon din sa local police at rescuers, 2 katao ang na-trap sa isang elevator sa train station sa Yamatokoriyama, Nara Prefecture habang marami pang tao ang pinaniniwalaang na-stuck sa elevator sa isang apartment building sa nasabing lugar.

Nagpalabas na ng warning sa landslides ang Japan weather agency at pinag-iingat ang mga tap sa mga posibleng aftershocks sa mga susunod na araw.

Pansamantalang itinigil ang operasyon ng JR West train, Kintetsu Line at mga bullet train sa Osaka, mga expressways kabilang na ang Osaka- Kansai International airport.

Aabot naman sa mahigit 170 kabahayan at gusali ang nawalan ng suplay ng kuryente ng ilang oras pero naibalik na rin matapos ang pagyanig.

Ang lindol ay nag-iwan rin ng maraming stranded na commuters sa mga istasyon ng tren at mga kalye matapos madiskaril ang rail operations sa West at Central Japan.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *