Isang Filipino namamatay kada oras sanhi ng sakit sa bato….National Kidney Awareness, ginugunita ng DOH ngayong Hunyo
“Kalusugan ng bato’y makakamtam sa pag -aalaga ng kalikasan” ito ang tema ng pagdiriwang ng National Kidney Awareness ngayong Hunyo.
Ang National Kidney and Transplant Institute o NKTI, ang nangunguna sa mga aktibidad na isinasagawa sa buong bansa kaugnay ng pagunita dito batay na rin sa Presidential Decree no. 184 Series of 1993.
Ayon sa NKTI, nakatuon ang tema ng pagdiriwang sa epekto ng kapaligiran sa pagkakaroon ng renal disease.
Batay sa nakalap na datos ng NKTI, isang Filipino ang namamatay sanhi ng sakit sa bato.
15,000 hanggang 17,000 katao naman ang dinadapuan ng sakit sa bato, ngunit limang daan lamang sa nabanggit na bilang ang kaya nilang maisailalim sa Kidney transplant.
Ito ay dahil umano sa kakapusan ng donor, mataas na gastusin sa transplant at maintenance.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Dr. Romina Danguilan, organizing committee lead ng coalition na tinatawag na regalo o ang renal gift allowing life for others ang publiko na maging donor ng anumang organ lalo na ang bato para matulungan ang maraming pilipinong nangangailangan ng Kidney transplant at makapagligtas ng buhay.
Dr. Romina Danguilan, Nephrologist, NKTI
“So that they carry the organ donor card, so that they can donate their organs to people who develop end stage organ disease, pwede po ung kidney, pwede po ung liver, at pwede ho ung baga nila, so their organs can be use for transplantation”
Samantala, bilang pagdiriwang ng National Kidney Awareness month, nagkaloob ng libreng kidney check-up, libreng prostate check-up at maraming iba pa, ang NKTI.
Ulat ni Belle Surara