Imbestigasyon ng DOH sa 8.1 bilyong pisong barangay health station ng Aquino administration suportdo ng Malakanyang
Hihintayin ng Malakanyang ang resulta ng inbestigasyon ng Department of Health o DOH sa sinasabing 8.1 bilyong pisong barangay health station anomaly.
Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na dapat lang na busisiin ang kinahinatnan ng bilyong pisong pondo ng pamahalaan.
Malalaman sa resulta ng inbestigasyon kung sino ang dapat na managot sa paglustay sa pera ng bayan.
Tinatayang 5700 na mga barangay health station ang binalak ipatayo ng doh sa ilalim ng pamumuno ni dating Health Secretary Janet Garin subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakukumpleto.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: