Xi Jinping, pinuri si Kim Jong Un sa matagumpay na US-Nokor summit
Pinuri ni Chinese President Xi Jinping si North Korean leader Kim Jong Un sa makasaysayang pakikipagpulong nito kay US President Donald Trump.
Kasabay ng ikatlong beses na pagbisita ni Kim sa China ngayong taon, nagpahayag ng kasiyahan si Xi sa mga naging positibong resulta ng North Korean – US summit kabilang ang napagkasunduang denuclearization at pagbuo ng pangmatagalang mekanismo para sa kapayaan.
Nangako rin si Xi na patuloy na susuportahan at makikiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Korean peninsula.
Dagdag pa ni Xi, hindi magbabago ang pagkakaibigan ng mga Chinese at Nokor.
Si Kim ay kasalukuyang nasa China para sa tatlong araw na pagbisita kung saan kabilang sa kaniyang tatalakayin ang katatapos lamang na pakikipagpulong kay Trump sa Singapore.
==============