Problema sa maruming tubig sa Boracay, hindi pa masolusyunan dahil sa nakapending na masterplan
Hindi pa rin nasisimulan ang rehabilitasyon sa maruming tubig ng Boracay sa aklan dalawang buwan matapos itong ipasara ng gobyerno.
Ito ang lumitaw sa pagdinig ng Senate committee on Environment kaugnay ng ginawang pagpapasara sa isla.
Sa imbestigasyon, inamin ni Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary for operations Epimaco Densing III na kino- consolidate pa ang mga gagawing hakbang lalo na sa isyu ng maruming tubig at problema sa waterwaste.
Ang masterplan aniya para dito ay napending pa sa Office of the President.
Problema rin aniya dahil dalawa ang water concessionaires pero wala silang masterlists kung sino ang naka konekta sa waterwaste sewerage system.
Sa datos ng Boracay Island Water Company inc, sa 1800 na commercial establishments 51 percent lang sa mga ito ang nakakonekta sa sewerage system samantalang 5 percent lang ang naka konekta sa mahgit 4300 na residential.
Pero iginiit ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na napa -demolish na nila ang may sampu sa 886 na mga istrukturang nakatayo sa mga wetlands.
Puna tuloy ni Senador Antonio Trillanes, bakit ipinasara ang isla kung walang master rehab plan.
Nanghihinayang ang Senador dahil umaabot aniya sa lima hanggang anim na bilyong piso ang nawawala kada araw habang sarado ang Boracay.
Pero sabi ng DILG, on-target naman daw ang mga plano katunayang plano nilang magsagawa ng soft opening sa unang linggo ng Setyembre.
Ulat ni Meanne Corvera