Same sex marriage, hindi lulusot sa Senado

Imposible na maipasa sa kongreso ang panukalang Same sex marriage.

Nauna nang dumulog sa Korte Suprema ang grupo ng LGBT para hilingin na kilalanin rin sila at bigyan ng pagkakataon na makapagpakasal ang magkaparehong kasarian.

Sa oral argument kahapon ng Korte Suprema, iginiit ng mga mahistrado na hindi ang Supreme Court ang tamang forum at dapat itong idulog sa Kongreso.

Pero ang mga Senador nagsabing hindi prayoridad at, hindi susuportahan ang panukalng batas.

Senador Trillanes:
“Di ko pa napagtutuunan ng pansin ang isyu na yan. I understand its an important issue but I have to admit hindi yan nag linya ko”.

Iginiit ni Senador Cynthia Villar na sagrado ang kasal sa pagitan ng babae at lalake.

Senador Villar:
“Medyo hirap tayo sa Pilipinas dyan kasi we are a Catholic country at medyo conservative pa tayo sa mga bagay nay an I am not confident that we can pass such a law”.

Aminado naman si Bataan First District Representative Geraldine Roman na hindi pa handa ang mga pilipinas na magkaroon ng batas sa same sex marriage.

Ito raw ang dahilan kaya isinulong nya ang House Bill 6595 o Civil partnership bill.

Kapag naging batas mabibigyan rin ng legal rights ang mga magkapareho ang kasarian.

Pero ayon sa mga Senador, halos katulad lang ito ng panukala sa same sex marriage.

Kung may maghahain raw ng panukala na gawing legal ang same sex marriage o anumang katulad na panukala, dadaan pa ito sa mahabang debate at proseso.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *