Pangulong Duterte nilagdaan na ang Mental Health law – ayon sa mga Senador

Pinasalamatan ng mga Senador si Pangulong Rodrigo Duterte matapos lagdaan ang Mental Health law.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, principal author ng batas, malaki ang maitutulong ng Mental health law para bigyan ng access at abot kayang Mental health services ang mga mahihirap na Filipino.

Nakasaad sa batas na magbibigay ng Mental health services ang gobyerno sa mga pampublikong ospital hanggang sa mga Barangay.

Kasama na rito ang Psychiatric, Psychosocial, at Neurologic services sa mga Regional, Provincial, at Tertiary hospitals.

Senador Hontiveros:
“Every day, seven (7) Filipinos turn to suicide. 1 in 5 Filipino adults also suffers from a form of mental disorder. The Mental Health Law cements the government’s commitment to a more holistic approach to healthcare: without sound mental health there can be no genuine Physical health”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *