Mga Senador nangangamba na mauwi sa korapsyon ang mandatory drug testing sa mga estudyante
Nanangamba si Senador Francis Pangilinan na mauwi sa korapsyon ang planong pagpapa drug test sa mga kabataang estudyante sa mga eskwelahan sa buong bansa.
Tutol si Pangilinan sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA dahil kung hindi raw sasagutin ng pdea ang gastos para dito, mauuwi lang ito sa money making scheme para sa mga drug test centers.
Dagdag na pahirap din aniya ito sa publiko na umaaray na sa mataas na presyo ng mga bilihin at mga serbisyo.
Senador Kiko Pangilinan:
“It is prone to corruption, will become a money making schemes for test centers and will only further burden the public already suffering from high prices of basic goods with more expenses”.
Kinuwestyon rin ni Senador Koko Pimentel ang PDEA kung bakit kailangang mandatory at bakit kailangang isama sa drug test ang mga hindi naman gumagamit ng iligal na droga.
Senador Pimentel:
“That’s why drug testing is optional. If you want help then ask for help. get a test f necessary. Why make drug testing mandatory and test those who don’t even use drugs?”
Ulat ni Meanne Corvera