Drug test sa mga paaralan, di dapat gawing mandatory pero drug test sa mga Public officials, dapat Mandatory

Hindi dapat gawing mandatory ang drug test sa mga paaralan.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, magdudulot ito ng takot at agam-agam sa mga mag-aaral lalu na ang mga nasa Grade 10 pababa dahil iisipin ng mga bata na hindi na ligtas ang kanilang eskuwelahan sa iligal na droga.

Magiging dahilan lamang aniya ito ng pagliban ng mga estudyante sa pagpasok sa klase dahil sa takot at pangamba.

Karamihan sa ating mga kabataan ay pumapasok sa eskuwelahan dahil nais nilang makita ang kanilang mga kaibigan at may tiwala sila sa paaralan na maayos at walang nangyayaring krimen. Pero kung itutuloy natin ang Drug test ay magkakaroon sila ng Culture of Fear at magkakaroon sila ng agam-agam at matatakot na sila dahil sa tingin nila ay napasok na ang paaralan nila ng iligal na droga”.

Samantala, pabor naman ang Senador na gawing mandatory ang drug test sa mga opisyal ng pamahalaan.

Katwiran ni Gatchalian, dapat magsilbing modelo at makitang unang lumalaban sa iligal na droga ang mga government officials.

Dapat ang mga Public officials natin ay maging modelo at dapat kung isasailalim din sa drug test ang mga kawani, dapat manguna muna tayo upang maipakita natin na sumusuporta tayo sa paglaban sa droga”.

 

==============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *