Operasyon ng PNP na Anti-Tambay, dapat gawin na lamang Anti-Pasaway

Imbes na Anti-Tambay, mas mabuting gawin na lamang Anti Pasaway ang operasyon ng mga otoridad.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na malawak kasi ang kahulugan ang tambay at hindi naman lahat ng tambay ay pasaway.

Pero kapag sinabing pasaway ay mali talaga ang kanilang ginagawa gaya ng mga pag-inom at pagsusugal sa kalye.

Inihalimbawa ng senador ang ilang mga lokal na pamahalaan na mayroon nang ipinatutupad na ordinansa laban sa mga pasaway.

Sa ganito aniyang panukala, tiyak ng senador na wala nang kokontra dahil ang huhulihin ay talagang mga pasaway.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *