Pagpapatupad ng SRP sa ilang agricultural products, ikinagulat ng maraming stakeholders

Ikinagulat ng pamunuan ng Commonwealth market sa Quezon City ang pagpapatupad ng suggested retail price o SRP ng Department of Agriculture sa ilang agricultural products.

Ito ay matapos ianunsyo nitong lunes ng DA ang SRP sa bigas na nasa 39 pesos kada kilo… sa mga isda naman ….kabilang sa may SRP ang bangus na 150 pesos kada kilo; tilapia, 100 pesos kada kilo at galunggong na may srp na 140 pesos kada kilo.

Ang red onion o pulang sibuyas ay may SRP na 95 pesos kada kilo; white onion o puting sibuyas, 75 pesos kada kilo… ang imported na bawang naman ay 70 pesos kada kilo ang srp at local na bawang, 120 pesos kada kilo.

Hindi pa umano kasi aprubado ng karamihan ng mga stakeholder ang nasabing SRP sa Agri products batay sa resulta ng ipinatawag na pulong ng Bureau of Fisheries noong June 14, 2018 na idinaos sa PCA auditorium sa Elliptical road, Diliman, Quezon City.

Katunayan ay marami umano ang nag-walkout sa nasabing meeting dahil hindi madali ang paglalagay ng srp sa mga nasabing produkto.

Wala rin umanong ginawang konsultasyon ang DA sa mga supplier, middlemen, retailers at iba pang stakeholders ukol sa isyu.

Una rito, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ang layunin ng paglalagay ng SRP sa piling mga produktong agrikultura ay hindi upang pababain kundi para maistabilisa ang presyo; maiwasan ang abnormal na pagbabago sa presyo sa merkado at maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili.

Papatawan rin ng parusa ang sinumang lalabag sa itinakdang SRP sa mga nasabing agri products kung saan pagbabayarin ng mula 1,000 hanggang 1 million pesos ang mga hindi susunod.

 

Ulat ni Eden Santos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *