Isang Bus company at walong iba pang kumpanya at negosyate sinampahan ng Tax evasion case sa DOJ ng BIR dahil sa mahigit 215 milyong pisong utang sa buwis
Ipinagharap ng reklamong Tax evasion sa DOJ ng BIR ang isang bus transportation company at walong iba pang kumpanya at negosyante dahil sa hindi binayarang buwis na umaabot sa 215.45 million pesos.
Kabuuang 43.88 million pesos na utang sa buwis noong 2009 at 2010 ang hinahabol ng BIR sa bus at transport service company na Northstar at sa presidente at treasurer nito na sina Gerard Rabonza at Hazel Rabonza.
Umaabot naman sa 63.95 million pesos ang bigong mabayarang buwis noong 2014 ng Daeah Philippines at presidente nito na si Emmanuel delos Santos na nasa construction at maintenance ng mga power generating plant at chemical plants infrastructure at mga katulad nito.
Sinampahan din ng tax evasion complaint ang Shema Ultimate Business Innovative Concept at mga opisyal nito dahil sa tax deficiency na 49.02 million pesos noong 2011.
Hinahabol din ng BIR ang di nabayarang buwis ng RPV Electro na trucking contractor na 18.32 million pesos para sa taong 2011.
Nasa 17.84 million pesos naman ang tax liability ni Jennifer Dela Cruz Feliciano na may -ari ng Theaden Marketing Service para sa taxable year 2011.
Kabilang din sa mga kinasuhan BIR ng paglabag sa tax code ang Plastic Technobag dahil sa utang sa buwis na mahigit 13 million pesos, ang C.B. Eugenio na 4.35 million pesos at Touring Group na 4.68 million pesos.
Ulat ni Moira Encina