Longest running mechanical Spinning top
Kamakailan lang ay itinanghal ng World Guinness Book of Records ang Limbo, isang spinning top na dinevelop ng fearless toys, bilang World’s longest-running mechanical spinning top, matapos umikot ng tuloy-tuloy sa loob ng 27-oras, 9-na minuto at 24 na segundo.
Kung titingnan ay parang ordinaryong spinning top lang si Limbo, subali’t binubuo ito ng isang high-tech mechanism na nagiging sanhi upang umikot ito sa mahabang oras.
Nakatago sa loob ni limbo ang isang metallic toy na binubuo ng iba’t-ibang components magkasamang nagtatrabaho para magawa nitong umikot ng matagal.
Kasama rito ang isang special asymmetric flywheel motor, isang high-end motion sensor, isang rechargeable battery at isang advanced system na nasa isang chip, na tuloy-tuloy na nagmomonitor sa stability ni limbo, at nag-a-apply ng dose-dosenang motion corrections sa bawat segundo para manatili itong umiikot.
Ang built-in accelerometer sa loob ni limbo, ang nagde-detect sa direksyon at spin speed nito at sa pamamagitan ng algorithm ay ina-adjust ang power nito ng tama. kapag na-detect ng sensor ang pagbagal ng ikot ni limbo, nag-a-accelerate ang motor kaya bibilis din ang ikot ni Limbo.
Ang isa pang interesting feature ni Limbo, ay ang kakayahan nitong umikot sa iba’t-ibang surfaces na hindi kayang gawin ng ibang spinning tops, dahil nag-a-adjust ang speed nito depende sa surface na iniikutan nito.
===============