Pag-iisyu ng permit sa baril, pinalilimitahan ng mga Senador
Naalarma na ang mga Senador sa sunod-sunod na kaso ng mga pagpatay na ang pinakahuli ay si Tanauan city, Batangas Mayor Tony Halili.
Kapwa kinondena nina Senate President Vicente Sotto at dating PNP Chief at Senador Ping Lacson ang pagpatay.
Nakakabahala anila dahil ginagawa pa sa harap ng maraming tao.
Sinabi ni Lacson na ang matinding kaso ng patayan sa mga pari, prosecutors at ilang mga lokal na opisyal sa mga pampublikong lugar ay indikasyon na wala nang takot ang mga kriminal.
Makabubuti ayon kay Lacson kung magpapatupad ng firearms control
measure ang pnp gaya ng pagkontrol sa pagbitbit ng mga armas bago pa lumala ang mga kaso ng patayan.
Senador Lacson:
“The killing of priests, prosecutors, former and incumbent local
officials in broad daylight and in full view of the public can only
suggest brazenness,” “The PNP should immediately consider stricter
firearms control measures before these killings reach ubiquitous
level”.
Ulat ni Meanne Corvera