CPP-NPA Founding chairman Joma Sison, hindi na papatulan ng Malakanyang
Itinuturing ng Malakanyang na irrelevant na ang anumang mga pahayag ni Communist Party of the Philippines -New People’s Army o CPP-NPA Founding chairman Jose Maria Sison.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na wala ng saysay ang mga pahayag ni Sison dahil wala ng umiiral na Peacetalk sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.
Ayon kay Roque lahat ng pinagsasabi ngayon ni Sison ay bahagi lamang ng propaganda ng mga rebeldeng komunista.
Iginiit ni Roque na hindi kasalanan ng gobyerno ang pagkakaunsiyame ng peace process dahil si Joma Sison ang nagpakita ng kawalan ng sinseridad sa usapang pangkapayapaan.
Niliwanag ni Roque na gustong gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na ang Communist rebellion sa bansa subalit mismong si Sison ang tila sumasabotahe kaya ipinasya ng Chief Executive na gawing localized na lamang ang pakikipag-usap pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.
Ulat ni Vic Somintac