MMDA tutulong kontra leptospirosis outbreak
Tiniyak ng Metro Manila Development Authority o MMDA na iikutan nila ang mga lugar na matagal humupa ang baha.
Tugon ito ni MMDA General Manager Jojo Garcia matapos magdeklara ng leptospirosis outbreak ang Department of Health o DOH sa ilang mga lugar sa Metro Manila.
Ayon kay Garcia, mabilis na nilang napapahupa ang mga pagbaha sa mga lugar na mayroong pumping stations.
Gayunman, nagkakaproblema aniya sa mga lugar na walang pumping stations dahil sa mga drainage na barado ng basura.
Kabilang sa mga lugar na deklaradong may outbreak ng leptospirosis ang walong barangay sa Quezon City, apat na barangay sa Taguig, isa sa Pasig City, dalawa sa Parañaque City, at tig-isang barangay sa Navotas, Mandaluyong at Malabon
Ang leptosporisis ay isang bacterial infection na nakukuha kapag nababad sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga, aso, baboy at kambing ang isang bahagi ng katawang mayroong sugat o gasgas.
Ulat ni Jet Hilario