NCRPO Chief Guillermo Eleazar, muling nagsagawa ng surprise inspection sa mga presinto sa Metro Manila
Muling bumisita sa mga presinto sa Metro Manila si NCRPO Regional Director Guillermo Eleazar.
Sa kanyang pag-iikot sa mga police station sa Valenzuela, isang pulis sa Marulas PCP ang naaktuhang natutulog ng NCRPO Regional Director
Ayon kay PO1 Gary Garcia, nakatulog siya dahil sa pagod at katatapos lang niyang gumawa ng spot report.
Sinabihan ni Eleazar si Garcia na mag-report sa kanya kasama ang station commander.
Sa Pritil PCP naman sa Tondo, Maynila, pinagpulot ng basura ni Eleazar ang mga pulis dahil makalat ang police station. Nakakandado pa ito at patay ang mga ilaw.
Natuwa naman si Eleazar sa kanyang pagbisita sa QCPD Station 4 sa Novaliches dahil wala na ang tinted na salamin sa front desk na kanyang pinatanggal noong huli niyang pagbisita sa stasyon noong June 18.
Ayon kay Eleazar, kuntento siya sa kanyang naging pag-iikot sa magdamag sa Maynila, Caloocan, Valenzuela at San Juan.
Aniya, mula nang simulan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pag-iikot sa police stations, tumaas ang antas ng disiplina ng mga pulis.
Dagdag ng opisyal, kailangan ng mas maraming nakaalertong pulis ngayon at gayong tinaasan na ang kanilang sahod, walang dahilan para hindi nila gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.
Ulat ni Paolo Macahilas
Please follow and like us: