Mga media entities oobligahing magbigay ng insurance at karagdagang hazard pay sa mga Journalist

Oobligahin na ang mga media entities na magbigay ng insurance coverage at karagdagang hazard pay sa mga mamamahayag partikular na ang mga naka- assign sa mga crime prone areas.

Ito’y kapag naisabatas na ang Senate Bill 1860 na inihain ni Senador Leila de Lima.

Sa panukala ni De Lima, kailangang bigyan ng disability na aabot sa 350,000 pesos, health at hospitalization na 200,000 at death benefits ang mga journalists na aabot sa 300,000 pesos.

Katwiran ni De Lima, ang media ay itinuturing na fourth estate at ang journalism at reporting ang isa sa pinaka-delikadong trabaho lalo na sa Southeast Asia.

Katunayan, sa datos ng Center for Media Freedom and Responsibility at National Union of Journalists in the Philippines umaabot na sa siyam na mamamahayag ang napatay sa ilalim ng Duterte administration.

Sen. De Lima:
“The press is considered as the Fourth Estate, a significant pillar of our democracy. However, journalism and reporting the news remains to be a dangerous profession”. In light of the dangerous circumstances confronted by journalists, it is imperative they be provided adequate mandatory hazard pay and commensurate insurance”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *