Food allergy, hindi dapat ipagwalang-bahala, ayon sa eksperto


Posibleng magkaroon ng allergy ang isang indibidwal, bata man o matanda at maging ang sanggol ay maaring dapuan ng allergy.

Ito ang pahayag ng mga eksperto mula sa Philippine Society of Asthma, Allergy and Immunization o PSAAI.

Binigyang diin ng PSAAI  na ang allergy sa pagkain o food allergy ay sobrang reaksyon ng immune system sa pagkain na karaniwan ay hindi naman nakakasama sa katawan.

May dalawang dahilan umano kung bakit nagkakaroon ng allergy sa pagkain ang isang tao.

Isa dito ay may lahing allergy sa pamilya at prior exposure sa pagkain.

Ayon pa sa mga Allergologist, kahit anong pagkain ay maaaring makadulot ng allergy, ang pinaka-karaniwang sanhi ng allergy ay ang itlog, gatas, soya, trigo, mani, shelfish at isda.

Samantala, binibigyang diin naman ni Dra. Ma. Cristina R. Edquilag, Pediatric –Allergy na may malaking maitutulong sa sanggol ang breastfeeding upang labanan ang allergy.

Dra. Ma. Cristina R. Edquilag:
“It has already been proven that exclusive breastfeeding for this particular period of time, for those who have high risk to develop allergies.”

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *