Draft ng Federal Constitution, inindorso ni Pangulong Duterte sa Kongreso

Ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang draft ng Federal Constitution na binalangkas ng Consultative Committee na pinamumunuan ni Rtired Chief Justice Reynato Puno ang draft ng Federal Constitution ay isinumite ng Consultative committee kay Pangulong Duterte sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na umaasa din ang Malakanyang na bibigyang bigat ng Kongreso ang nilalaman ng Draft Federal Constitution kung saan banaguhin ang porma ng gobyerno mula Presidential unitary patungong Federal system.

Ayon kay Roque ipapaubya ng Malakanyang sa mga kaalyadong Kongresista at Senador sa pagtalakay sa Draft Federal Constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con-Ass.

Inihayag ni Roque na hindi magtatalosira ang Pangulo sa kanyang pangako na hindi siya interesado na palawigin pa ang kanyang termino at sa halip gusto pa niya itong paiklihin sa sandaling mapagtibay ang Federalismo.

Wwala ng pag-asa na makatakbo pang muli sa ibang eleksyon ang presidente.

Niliwanag ni Roque na sa ilalim ng transitory provision ng Federal Constitution, maaaring mamuno lamang si Pangulong Duterte hanggang 2022 hanggang sa maihalal ang bagong pangulo ng bansa sa ilalim ng sistemang Federalismo.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *