Deklarasyon ng Martial Law dulot ng mga patayan, malabo – ayon sa mga Senador
Pinawi ng liderato ng Senado ang mga pangamba na sinasadya umano ang mga kaso ng pagpatay sa mga lokal na opisyal para may dahilan ang Duterte administration na magdeklara ng Martial law.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na bago ang kaso ng pagpatay sa mga LGU’s lalo na kapag papalapit ang eleksyon.
Masyado aniyang mainit ang labanan sa local politics pero hindi ito maaring gawing batayan ng deklarasyon ng Martial Law.
Senador Sotto:
“Hindi naman bago ang maraming away sa local eh, matagal na yan, even during and after martiael law, talagang mainit ang local politics sa atin,ang hirap naman lahat na lang pag may nangyayari dun tayo nakaturo sa leader lets take it at face value”.
Iginiit naman ni Senador Koko Pimentel na hindi na dapat patulan ang mga pang iintriga.
Hindi rin aniya gagawin o ipag- uutos ng Pangulo ang mga pagpatay para lamang pangatwiranan ang Martial law.
Sinabi pa ni Pimentel na ang pagpatay sa mga LGU’s ay nangyari na rin sa mga nakaraang administrasyon.
Ulat ni Meanne Corvera