Allergy, isang isyung pangkalusugan pa rin -ayon sa eksperto… Samantala, National Allergy day, ipinagdiwang 

Idineklara ang Hulyo 8 bilang National Allergy day batay sa Presidential Proclamation no. 1313  na nilagdaan noong July  8, 2007 ni dating Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay taon -taong ginagawa upang maitaas ang kamalayan o kamulatan  ng mga Filipino na ang allergy ay isang Public health concern  na  dapat na pagtuunan ng pansin.

Ayon sa Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology o PSAAI,  sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay “ Basta’t sama sama, Allergy ay kayang kaya”.

Kabilang sa mga naisagawang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ang National allergy day ay interactive lectures na dito ay nagkaroon ng kaalaman ang mga dumalo sa signs at symptoms ng allergy.

Isa sa mga tinalakay ay ang allergy sa balat na ito ay binubuo ng mga kundisyon tulad ng hika sa balat, tagulabay at  eczema.

Binigyang diin ng mga allergist na mahalagang kumonsulta sa eksperto upang matukoy agad kung saan  allergic  at kung ano ang mga paraang dapat at angkop na gawin upang ito ay maiwasan.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *