Paglapag ng mga Chinese military aircraft sa Davao, pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan na rin ng oposisyon sa Senado ang paulit-ulit na paglanding ng Chinese military aircraft sa Davao city.

Naghain na ng Senate Resolution 779 ang oposisyon para imbestigahan kung labag sa constitutional prohibition para sa presensya ng mga foreign troops ang umano’y technical stops sa Davao.

Tinukoy sa resolusyon ng limang senador na taga oposisyon ang Article 18, Section 25 ng Saligang batas kung saan ipinagbabawal ang foreign military bases, tropa o pasilidad maliban na lamang kung may tratado na may ayuda ng Senado.

Pero sa kasalukuyan, wala anilang umiiral na treaty sa China para magamit ang pasilidad ng Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni Senador Antonio trillanes na bukod noong june 8, maraming beses nang naglanding sa Davao ang military aircraft ng China .

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *