5 centenarian sa lalawigan ng Aklan, pinagkalooban ng P100,000.00
Limang centenarians o mga lolo at lola na umabot na sa 100 taon-gulang sa probinsiya ng Aklan ang pinagkalooban ng P100,000.00 mula sa national government.
Kinikilala ang mga centenarians na sina Diosdada Caspe (sa bayan ng Kalibo), Caridad Regueta (sa Makato), Maria Laura Estures (sa bayan ng Tangalan), Veronica Nobleza ( sa Madalag), at Ireneo Bautista (mula sa bayan New Washington).
Ang pagkakaloob sa kanila ng Php100,00 ay alinsunod sa Republic Act 10868 An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for Other purposes.
Nakatanggap din sila ng karagdagan pang P10,000.00 mula sa pamahalaang lokal ng probinsiya ng Aklan sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Ulat ni Grace Ann Reyes