Vice – President Leni Robredo, sinubukang muling mapasama sa gabinete ni Pangulong Duterte – ayon sa Malakanyang
.
Ibinunyag ng Malakanyang na sinubukan ni Vice-President Leni Robredo na muling maging miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nagparamdam si VP Robredo na mabigyan ng cabinet position.
Ayon kay Roque malabo na itong mangyari dahil nagdesisyon na si Ginang Robredo na tatayong lider ng United Opposition.
Inihayag ni Roque na ngayon ay malinaw na ang prosisyon ni Ginang Robredo.
Binigyanang diin ni Roque na welcome sa Malakanyang ang papel ni Ginang Robredo dahil magiging malusog ang demokrasya kapag malakas ang oposisyon dahil sa prinsipyo ng check and balance.
Sa unang taon ng Duterte administration naging miyembro ng gabinete ang pangalawang Pangulo matapos siyang italaga ni Pangulong Duterte na Chairman ng Housing Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Ulat ni Vic Somintac