Supreme Court, inatasan ang Comelec na magkomento sa hirit ni VP Robredo

Pinagkukomento ng Korte Suprema ang Comelec  sa hirit ni Vice-President Leni Robredo na ibaba ang threshold percentage ng mga valid votes sa 25 % mula sa 50% percent sa isinasagawang manual recount sa mga boto 2016 Vice-Presidential elections.

Ang kautusan ay inilabas ng Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal kasunod ng inihaing manifestation at mosyon ng Office of the Solicitor General bilang Tribune of the People na humihiling na pagtibayin ng PET ang nauna nitong ruling na nagsasabing walang batayan ang nais ni Robredo na ituring na valid votes ang 25% shading sa balota.

Sa anim na pahinang resolusyon ng PET, binigyan nito ng 10 araw ang poll body para maghain ng sarili nitong komento sa motion for reconsideration ni Robredo.

Sa manifestation ng OSG, hindi nito pinanigan ang Comelec na pinapaboran ang 25% threshold.

Ayon sa OSG, sa ilalim ng Saligang Batas ang PET ang tanging may hurisdiksyon sa pagpapasya at pagbuo ng mga panuntunan
para sa mga presidential at vice-presidential election protests at hindi ang Comelec.

Iginiit din ng OSG ang 2010 Rules of the PET na nagsasaad na ang anomang marka o shade na bababa sa 50% ay hindi ikukonsiderang valid votes.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *