Bangsamoro at DOE pinayagan ng mag -explore ng Fossil fuel sa Mindanao

Pinayagan na ng Bicameral conference committee ang Bangsamoro government Department of Energy na mag explore at mag develop ng fossil fuels at uranium sa Mindanao.

Sinabi ni Senador Juan Miguel Zubiri, chairman ng Senate Bicam panel na nakabatay ito sa Section 10, Article 8 panukalang Bangsamoro Basic law.

Pero sinabi ni Zubiri na kailangang bawasan ang paggamit ng fossil fuel sa pagpo-produce ng kuryente para makamit pa rin ang Sustainable Development Goals at ma i promote ang low carbon sustainable energy generation policies.

Sa ngayon, tinapos na aniya ng Bicam panel ang deliberasyon sa lahat ng probisyon ng panukalang BBL

Pero kailangan pa nilang muling magpulong sa martes para aprubahan ang pinal na bersyon ng BBL bago isumite kay Pangulong Duterte.

Kung aaprubahan ng pangulo ang BBL, raratipikahan ito sa plenaryo sa July 23 ng umaga bago ang SONA ng Pangulo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *