Pagtaas ng trust at approval rating ni Pangulong Duterte sa Pulse Asia survey ikinatuwa ng Malacañang
Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa publiko kaugnay ng pagtaas pa ng trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagamat hindi namumuno sa pamamagitan ng popularity si Pangulong Duterte nakakatuwang makita na patuloy na tinataglay ng presidente ang mataas na tiwala ng publiko.
Ayon kay Roque magdodoble kayod si Pangulong Duterte upang matupad ang mga ipinangako noong kampanya na labanan ang kriminalidad, illegal na droga at korapsyon para mapaangat ang pamumuhay ng sambayanang.
Batay sa June Pulse Asia Survey nakapgtala si Pangulong Duterte ng 87 percent trust rating at 88 percent approval rating kumpara sa 78 percent trust rating at 80 percent approval rating noong March.
“The Palace expresses its gratitude for our people’s continuing vote of confidence for President Rodrigo Roa Duterte who remains the most approved and most trusted top national official today with 88% approval and 87% trust, respectively.
The President views these latest survey results with all humility; however, he is not leading the country for the sake of high or good ratings.
The Chief Executive is simply fulfilling his campaign promises with the best interest of Filipinos in mind.
PRRD is working double time to rid society of drugs, criminality and corruption to achieve his goal of bringing comfortable life for all.”
Ulat ni VIc Somintac