Malacañang nagpatupad ng work suspension sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila dahil sa sama ng panahon
Nagdeklara ng suspension ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region ang malakanyang dahil sa masamang panahom dulot ng bagyong Henry at habagat.
Naglabas ng memorandum circular number 47 si Executive Secretary Salvador Medialdea na nagdeklarang epekto ala una ng hapon ay wala ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno ganim din sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan.
Batay sa kautusan na inilabas ng Malakanyang ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagbibigay ng serbisyo tungkol sa disarter management and control ay mananatiling may pasok.
Ang work suspension order ng malakanayang ay batay sa rekomemdasyon ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
Ulat ni Vic Somintac