Ilang resort owners at lokal na opisyal sa Boracay sinampahan ng patung-patong na reklamo ng NBI sa DOJ dahil sa mga paglabag sa environmental laws
Kinasuhan ng NBI Environmental Crime Division sa DOJ ang ilang mga Boracay resort owners at mga lokal na opisyal sa Malay, Aklan dahil sa mga paglabag sa environmental laws.
Mga paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines, Philippine Fisheries Code, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Local Government Code ang inihain laban sa mga respondents.
Partikular na sinampahan ng mga reklamo ang Boracay Island West Cove Management Philippines Incorporated at mga owners at stockholders nito na sina: Crisostomo Aquino, Maria Jovita Aquino, Marlon Aquino, Juan Fidel Aquino, Regine Erica Aquino at Lorna Aquino.
Gayundin ang Denichi Boracay Corporation at mga incorporators nito na sina Denichi Matsuo, Sheryl Zonio, Immanuel Sodusta, Angeles Sodusta at Socrates Canta.
Inireklamo din ng NBI ang Correos Internacionale Incorporated at ang mga stockholders at officers nito na sina Lim Chee Yong, Maria Christina Romualdez,Gene Arthur Go, George Lin Yuhui, Amelita Morales, Aileen De Mesa at Alex Alamsya.
Kinasuhan din ng NBI ang Seven Seas Boracay Properties Incorporated at mga incorporators nito na sina Leo Angelo de Jesus, Maria Concepcion Soledad,Gabriel Tabalon, Amelita Morales Poppaw at Lim Chee Yong.
Nahaharap din sa mga parehong reklamo ang Boracay Tanawin Properties at ang mga opisyal nito na sina George Wells, Immanuel Sodusta at Kennylyn Gonzaga.
Ayon sa NBI, patuloy na nag-ooperate sa isang no build zone ang mga resort kahit walang lisensya at permit at kahit may kautusang isara ang mga ito.
Bukod sa mga resort executives, kasama rin sa asunto sina incumbent Mayor Ceciron Cawalig,
dating Malay Mayor John Yap, Municipal Engineering and Building Officer Elizer Casidsid, Municipal Zoning Administrator Alma Belejerdo, Municipal Assessor Erlinda Casimero, Provincial Assessor Kokoy Soguilon, Local Assesment Operations Officer 4 Roger Rembulat, Boracay Island Chief Operations Officer Glenn Sacapano, Environmental Management Specialist Tresha Lyn Lozanes at Boracay Foundation Inc. Director Pia Miraflores
Una nang ipinagutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI ang pagbuo ng Task Force Boracay na mag-iimbestiga laban sa mga lumabag sa environmental laws na nagdulot ng kontaminasyon sa isla kaya ito ipinasara.
Ulat ni Moira Encina