Mga dam sa luzon malayo pa sa critical level
Maganda ang naidulot ng bagyong Inday at Habagat sa kalagayan ng mga Dam sa bansa.
Ayon kay PAG-ASA Hydrologist Elmer Caringal, dahil sa mga pag-ulan nadagdagan ang tubig sa mga reservoir kabilang na ang Angat Dam na pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila.
Sa ngayon ang tubig sa Angat dam ay umangat na sa elevation na 192.98 METERS na bagamat malayo pa sa normal elevation na 210 METERS, malaki na ang maitutulong nito sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Umangat din ang tubig sa iba pang mga dam sa Luzon gaya ng Binga, Magat, San Roque, Pantabangan at Ambuklao dahil na rin sa mga pag-ulan.
Tiniyak naman ni Caringal na bagamat tumaas ang lebel ng tubig sa mga dam ay wala pang dapat pangambahan dahil malayo pa ito sa critical level.