Panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag sa Albay, kinondena ng mga senador
Kinondena ng mga senador ang panibagong kaso ng pagpatay sa isang mamamahayag na si Joey Llana sa Albay.
Hinimok ni Senador Sonny Angara, ang mga otoridad na papanagutin sa batas ang nasa likod ng pamamaslang.
Sinabi ni Angara na dapat payagan ng mga otoridad na maghari ang takot at impunity sa isang democratic society.
“This violence against a practicing journalist deserves no less than condemnation, as it has no place in a civilized society like ours. I strongly urge the authorities to conduct an immediate investigation into this cowardly act and bring to the bar of justice the perpetrators at all cost. We cannot allow fear and impunity to reign in a democratic society.”
Kinakalmpag naman ni Senador Grace Poe ang Department of Justice at mga korte sa buong bansa na paspasan ang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay.
Sinabi ni Poe na ang mabagal na resolusyon ng mga kaso ay lalo lamang nagpapalakas ng loob sa mga kriminal para pumatay.
“Ang pagpaslang sa radio anchor na si Joey Llana sa Daraga, Albay ay isang kasumpa-sumpang pangyayari na walang puwang sa isang lipunang demokratiko.”
Ang dumaraming bilang ng mga mamamahayag na napapatay at ang mabagal na resolusyon ng mga kaso ay nagpapalakas sa loob ng mga pumapaslang sa mga miyembro ng media.
Ulat ni Meanne Corvera