Malakanyang tikom ang bibig sa umugong na balitang pagpapalit ng liderato sa Kamara
Tumanggi na munang magbigay ng ibayong komento ang Malakanyang sa napabalitang palitan ng liderato sa Kamara ngayong araw.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na panloob na usapin ng Kamara ang bagay na ito.
Hindi aniya manghihimasok ang Palasyo rito dahil may sariling sistema o palakad ang bawat sangay ng gobyerno tulad ng Kongreso.
Sa bumulagang balita ngayong umaga, sinasabing niluluto na ang pag upo sa Kongreso bilang House speaker ni Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo kapalit ni House speaker Pantaleon Alvarez.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: