Bureau of Immigration, nagpatupad ng balasahan sa mahigit 100 opisyal nito sa NAIA
Nagpatupad ang Bureau of Immigration ng balasahan sa mahigit 100 mataas na opisyal nito na nakatalaga sa NAIA at sa Clark at Davao airports.
Ito ay kasunod ng direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra na i-reshuffle ang 59 na BI airport officials at mga Alien Control Officers in-charge sa mahigit 40 BI offices sa buong bansa.
Partikular na apektado ng reshuffle ang mga BI head supervisors at deputy head supervisors sa NAIA at Clark at Davao airports.
Gayundin ang mga pinuno at supervisors ng travel control and enforcement unit at ng border control and intelligence unit ng mga paliparan
Bilang pagtugon sa kautusan ni Guevarra nagpalabas si Immigration Commissioner Jaime Morente ng mga personnel order na nagdidirekta sa mga nasabing opisyal na magreport sa mga bago nilang assignments.
Ayon kay Morente, long overdue na ang balasahan dahil marami sa mga airport officials ay mahigit isang taon na sa kanilang pwesto habang ang mga ACOs ay mahigit limang taon na sa kanilang posisyon.
Oras na anya para sila ay bigyan ng mga bagong gampanin para maiwasan ang familiarity, kurapsyon at pagiging kampante sa trabaho.
Ulat ni Moira Encina