Publiko, hinihikayat ng National Nutrition Council o NNC na subukan ang Food gardening
Isa sa mga highlight ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA ay ang pagkakaroon ng access ng bawat Filipino sa Universal Health Care.
Bilang mga ordinaryong mamamayan, sinasabi ng mga eskperto na maiiwasan umano ang pagkakasakit sa pamamagitan ng pagpapanatiling malusog ng katawan at pagsasagawa ng healthy lifestyle.
Kaugnay nito, sinabi ng National Nutrition Council o NNC, mainam na subukan ng publiko ang food gardening.
Tuwing sasapit ang Hulyo, ipinagdiriwang ng bansa at ng NNC ang buwan ng nutrisyon batay sa Presidential decree bilang 491 o ang Nutrition Act of the Philippines.
Ang NNC ang nakatalagang manguna sa pagunita ng naturang selebrasyon sa buong bansa.
Sa taong ito ang tema ng nutriton month ay “Ugaliing magtanim, Sapat na Nutrisyon aanihin”.
Pahayag ng NNC, nilalayon ng temang ito na hikayatin ang publiko na magtanim sa kanilang komunidad.
Binigyang -diin pa ng NNC na may mga gardening technologies na maaaring gawin ang publiko lalo na at naninirahan sa urban areas o sa mga may limitadong espasyo.
Ulat ni Belle Surara