NFA lalung paiigtingin ang monitoring laban sa mga Rice hoarders
Handa ang National Food Authority na makipagtulungan at tumalima sa magiging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan nang masawata ang mga Rice hoarders.
Sa panayam kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, sinabi nito na bagamat walang pondo ang tanggapan para sa intelligence, may mga itinalag silang monitoring team upang magbantay lalu na sa mga stocks ng bigas.
Pagdating naman sa mga hoarding, katuwang aniya ang NFA sa pagsisikap ng ilang mga ahensya at government units na mapigil ito.
Sa pamamagitan aniya ng monitoring na ginagawa ng NFA, malalaan nila sa dating ng suplay ng mga commercial rice sa merkado kung talagang may rice hoarding.
“Yung sinabi ng ating Pangulo while we are doing this regularly, siguro paigtingin din natin yung ating monitoring sa sinabi ng pangulo kung may mga hoarders. Sabi nga nya eh hindi basta-basta yun ibig sabihin talagang ipapatupad kung ano ang dapat ipatupad na batas para sa mga ito”.