Senado tiniyak na magiging professional sa relasyon sa Kamara
Tiniyak ng liderato ng senado na magiging professional ito sa pakikitungo kay House Speaker Gloria Arroyo.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto ito’y kahit marami sa mga Senador ang hindi pabor na si Arroyo ang nailagay na bagong pinuno ng Kamara.
Sinabi ni Sotto na hindi sila magpo- focus sa personalidad ni Arroyo kundi sa magiging trabaho ng Kapulungan.
Nauna nang sinabi ni Davao Congressman Karlo Nograles na handa ang bagong liderato ng Kamara na makipagtulungan sa Senado at isulong ang mga priority agenda ng pangulo na binanggit sa kaniyang SONA.
Kabilang na rito ang train 2 at mga panukala sa pagbuo ng bagong kagawaran na mangangasiwa sa disaster response.
Isa si Nograles sa mga masusing nagtrabaho para himukin ang mga kapwa kongresista na si Arroyo ang maitalaga sa pwesto kapalit ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ulat ni Meanne Corvera