Spa sa Quezon City na nagbibigay umano ng extra service sa mga customer, sinalakay ng mga otoridad
Sinalakay ng mga operatiba ng Anti-Trafficking in Persons Division-Womens Children’s Protection ng PNP-Crame ang isang Spa sa Kamias Road, Quezon City kagabi..
Pagpasok sa Spa, tumabad sa mga operatiba ang mga masahista na ibinubugaw ng may-ari na bukod sa pagmamasahe ay nagbibigay ng extra service sa mga customer nito.
Naaktuhan pa sa isang surveillance video ang abutan ng pera ng empleyado ng Spa at ng parokyano nito.
Matapos ang pag abot ng pera tila pinapapili naman ang parokyano kung sino sa mga masahista ang gusto nitong magbigay serbisyo.
Todo tanggi naman ang dalawang bugaw ng Spa sa ginagawa nila sa kanilang mga masahista.
Sa halagang 500 pesos na bayad sa spa bukod pa anila ang extra service na tinatawag na umaabot sa apat na libo depende sa extra service na ibibigay nila sa customer.
Aabot sa 22 masahista ng nasabing Spa ang nailigtas ng WCPD at lima dito ay pawang mga menor de edad.
Nahaharap sa kasong violation in Anti -Trafficking in Persons Act ang mga empleyado ng Spa at habang buhay naman na pagkakulong sa may- ari ng Spa na nakilalang si Philip Lim gayundin ang kasamahan pa nitong si Julius Valenzuela.
Ulat ni Earlo Bringas