Pocket-friendly machine na maglalagda para sa iyo ng sarili mong lagda

 

Ikaw ba ay isang indibidwal na bahagi na ng trabaho o pang araw-araw na buhay ang paglagda o pagpirma gaya ng isang celebrity, author o negosyante?

Napapagod ka na bang pumirma ng pumirma sa mga autographs, mga libro, kontrata o mga dokumento? meron na ngayong pwedeng gumawa ng pagpirma para sa iyo. ito ay isang state-of-the art signing machine. iyon ay kung willing kang gumasta ng $365,000

Ito ay matapos na ilabas ng swiss watchmaker na si Jaquet Droz, ang kaniyang impressive na signing machine nito lamang nakalipas na abril, sa baselworld watch show, makalipas gugulin ang apat na taon sa pagbuo nito.

Ipinapakita rito ang mechanical clockwork technology ng kompanya, yun nga lang sa halip na magbigay ito ng akmang oras, ay perpekto nitong ginagaya ang lagda o pirma ng isang tao.

Ang signing machine na likha ni Jaquet Droz, ay may isang retractable metal arm na may slot para sa isang pen.

Ilalagay mo lamang doon ang pen, at paiikutin ang machine para i-guide nito ang 585 different parts sa loob upang ilagda ang iyong pangalan sa kahit na anong uri ng dokumento.

Pero para ito gumana, kailangang ibigay ng user ang kaniyang “signature” sa kompanya para ma-i-program nila ito sa machine habang binubuo.

Hindi rin problema sakaling ito ay mawala dahil hindi rin ito magagamit ng iba. ayon kay Jaquet Droz, ang machine ay pwede lang ma-activate sa pamamagitan ng code na ang  may-ari lang ang nakakaalam.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *